Avast Smart Life
Seguridad na batay sa AI at mga tool sa digital na kapakanan para sa moderno at nakakonektang pamilya.
Protektahan ang iyong mga customer saanman sila kumonekta gamit ang aming pinaka-advanced na seguridad
Pinagsama-sama ng Smart Life ang mga dekada ng premyadong inobasyon para sa seguridad at nakabatay sa AI para protektahan ang iyong mga customer at ang kanilang mga device kung paano man at saanman sila kumonekta, kasama na ang IoT.
Fingerprinting ng device
Pagtukoy sa iregularidad sa device
Pagsusuri sa gawi ng device at network
Proteksiyon laban sa mga banta
I-promote ang digital na kapakanan at mas mahusay na pagiging magulang
Habang mas nagiging mahalaga sa ating buhay ang pagiging konektado, bumabaling ang mga magulang sa teknolohiya para makatulong sa pamamahala ng kanilang mga digital na gawi at mapanatiling ligtas ang kanilang pamilya online at offline gamit ang mga tool na pantulong sa mga magulang.
Pamahalaan ang oras sa screen
suriin ang real-time na lokasyon
Makatanggap ng mga insight at ulat sa aktibidad
Pamahalaan ang pagkakahantad sa content
Bakit Smart Life?
Sa loob ng 30 taon bilang lider sa cybersecurity, alam namin sa Avast kung ano ang kailangan para maprotektahan ang mga customer mula sa mga digital na banta, panatilihing pribado ang kanilang data, at tulungan silang pamahalaan ang kanilang digital na kapakanan. Dinadala ng Smart Life ang kaalaman at karanasang ito sa iyong mga customer.
Seguridad na hindi umaasa sa DNS
Dinisenyo para sa scalability
Handa para sa mga 5G na kapaligiran
Isang naiaangkop na arkitektura na handa sa 5G
Puwedeng i-deploy ang Smart Life sa router at 5G edge, na nagbibigay-daan sa mga operator ng broadband at mobile na mag-alok sa kanilang mga customer ng komprehensibong seguridad.
Puwedeng isama nang direkta ang Smart Life bilang maliit na layer ng firmware sa mga router ng partner. Pagkatapos, puwedeng i-activate ng mga customer ang serbisyo sa pamamagitan ng kanilang network provider at mapapamahalaan nila ang kanilang digital na seguridad sa pamamagitan ng application sa mobile.
Puwedeng isama ang Smart Life sa edge network bilang isang VNF, na nagbibigay-daan sa mga operator ng 5G na mobile na mag-alok ng seguridad sa device para sa mga mobile device, mobile IoT na koneksyon, router na hotspot ng 5G, at higit pa.
Pareho ang teknolohiya sa likod ng router at mga pag-deploy sa 5G ng Smart Life bilang ang aming tradisyonal na seguridad na batay sa device at mga solusyon sa digital na kapakanan. Puwedeng mag-deploy ang mga operator sa maraming hangganan, habang pinapaganda ang karanasan ng customer.
Ang inobasyon sa likod ng Smart Life
Semi-synchronous na path ng data
Pagsusuri sa network na batay sa AI
Modelong batay sa posibilidad at pagkilala sa pattern
Isang naiaangkop na arkitektura na handa sa 5G
Isang naiaangkop na arkitektura na handa sa 5G